Lalaking ayaw ibigay ang lisensiya sa traffic enforcer, bagong viral sa social media

Lalaking ayaw ibigay ang lisensiya sa traffic enforcer, bagong viral sa social media. | Photo source: Facebook
Matapos mag-viral si '5-minutes-girl' at si Arnold Padilla ang lalaking nam-bully ng traffic enforcer sa Makati kasama ang kaniyang asawa't bodyguard may bago nanamang version sa mga matitigas sa kalye at ayaw sumunod sa simpleng batas-trapiko.

Sa isang facebook page na Trending P na uploader ng video makikita ang motoristang ayaw mag bigay ng lisensiya para ma-issuehan ng ticket dahil sa pagpaparada ng kaniyang sasakyan kahit may no stopping sign na nakalagay ilang hakbang lang ang layo.

Lalaking ayaw ibigay ang lisensiya sa traffic enforcer, bagong viral sa social media. | Photo source: Facebook

"Isang motorista nanaman ang ayaw mag bigay ng lisensya upang ma issuehan ng ticket ng traffic enforcer. kitang kita naman sa video na naka illegal parking at obstruction talaga sya sa kalsada. Mabuti na lamang at mababait ang ating mga enforcer." ayon pa sa caption ng video.

Dahil hindi pa nakilala ang lalaki tinatawag siyang si "Mr. Mission Order" dahil hinahanapan pa niya ng mission order ang traffic enforcer na humuli sa kaniya. Pero kahit paman pinapabasa na sa kaniya ng traffic enforcer ang mission order, nagmamatigas parin siyang ibigay ang lisensiya at sinabing wala daw siyang nilabag na batas. Hanggang sa natapos nalang ang video walang naibigay na lisensiya si Mr. Mission Order.

Watch:

No comments:

Powered by Blogger.