May-Ari ng Security Agency, Siya pa ang Galit sa Isang Security Guard na Nag Reklamo dahil Napag Alamang Isang Taon na Palang Hindi Hinuhulugan ang kanyang SSS at Pag-Ibig





Isang security guard ang naglabas ng sama ng loob sa social media kaugnay sa kanyang problema ng may-ari ng security agency.



Kwento ng guard na ito ay isang taon na raw na hindi hinuhulugan ng Gamilla Security Services Inc. ang kanyang contributions sa SSS, PAG-IBIG at loans na kinakaltas sa kanya. 
Ayon sa kanya ay makailang beses na umano siyang pabalik-balik sa opisina upang ifollow-up umano na ihulog na sa SSS at PAG_IBIG ang kinakaltas na contributions ng opisina upang siya ay makapag renew ng loan at magamit niya para sa kanyang mga anak lalo na't pasukan na naman.



Marami umanong dahilan ang mga staff ng security agency at hanggang ngayon ay hindi pa natatapos ang kanyang problema.
Nanawagan ngayon si Kuya Guard sa kanyang post kay pangulong Rodrigo Duterte na maimbestigahan ito at dagdag pa ni kuya ay mapang-api at gahaman raw ang mga ito.

Basahin ang post ng netizen:

Sana makarating po ito kay PRRD para maimbistigahan at matokhang na itong mapang-api at gahaman na
Gamilla Security Services Inc. 
Di po hinuhulog ang contributions sa SSS at PAG-IBIG at loans na kinakaltas sa akin.. 


April 17, 2018 nagpunta ako sa opisina ng GSSI upang ifollow-up na ihulog nila ang kinakaltas sakin na contributions upang mkapag renew ako ng loans para magamit ko pambili ng mga gamit ng mga anak ko at pang enroll ngunit sabi ni Mrs. VIOLETA BONDOC at ni Mrs. FE DATUL mga accounting officers na irefund nalang daw nila ang loan ko at pinagawa nila ako ng letter na nagsasaad na nirerefund ko ang mga kinakaltas nila sa akin pero maghintay lang daw ako ng collection. 


Kapag tumatawag ako lagi dinadahilan wala pa collection hanggang ngayong araw bumalik ako para makuha ngunit may bago nman silang dahilan nagpunta daw Sss at Pag ibig personnel sa office nila pinagbawal daw na irefund? Nagtuturuan ngayon sila at ang daming alibi at dahilan pinakinabangan nila ng halos isang taon ang pera at ngayon kailangan ko na di pa nila ibibigay!?? 

Paano mga anak ko pasukan na wala pang gamit??? Nasaan ang hustisya?? Narito ang mga pag uusap namin ni MRS. VIOLETA BONDOC at sa telepono si MRS. MARIA VILMA M. GAMILLA - may ari ng GAMILLA SECURITY SERVICES INC. Kayo na po bahala maghusga.


 Nais ko lang po linawin na di namin kagustuhan na basta lang lumipat ng agency. Tinangal po sila ng Client dahil po delinquent sila sa paghuhulog ng SSS. Naawa samin ang Client kaya kme pinaabsorb sa bagong agency.



Narito ang kuha ng video:





Reaksyon ng mga Netizens:
























No comments:

Powered by Blogger.