Kumakabog na ang Puso ng Babaeng Ito na Baka Holdapin Siya ng Taxi Driver nang Huminto Ito sa Madilim na Lugar, Nang Malaman Niya ang Dahilan ay Natunaw ang Kanyang Puso



Call center agent si Myka sa isang company sa BGC, Taguig. Kaya naman hindi na bago sa kanya ang tinatawag na graveyard shift o iyong panggabing trabaho. Sa totoo lang, mas gusto niya nga ang panggabi dahil walang traffic at hindi mainit. Kaya lang, kailangan mong yakapin ang katotohanan na delikado ito dahil madilim na at walang masyadong tao sa byahe.


Sa ngayon ay naka assign si Myka sa shift na 2am-11am, sa Cavite pa siya nakatira kaya malayo ang iba-byahe niya. Mag-a-ala una palang ng madaling araw at umalis na siya sa kanila. Pagdating sa sakayan papuntang BGC, kaaalis lang ng bumabyaheng bus kaya wala siyang choice kung hindi mag taxi, kahit na mas mahal ito, ayos na iyon kaysa pagalitan ng boss si Myka.

“Kuya, BGC lang.” sabi niya sa driver pagkasakay ng taxi, tahimik lang naman na tumango ang lalaki.

“Saan po sa BGC?” tanong nito makalipas ang ilang minutong pag andar nila.

“Sa W City, ituturo ko nalang sayo pag andun na.” sagot naman ni Myka.

Naging maayos naman ang byahe, nagsimula lang siyang kabahan nang dumaan na sa madilim na parte. Chineck niya kung naka-lock ba ang pinto ng taxi. Ayaw niyang magbintang pero mabuti na iyong nag iingat.


Lalong dumagundong ang dibdib niya nang unti unting bumabagal ang andar ng taxi, inilagpas lang siya nito sa madilim na parte at doon huminto.

“Ma’am sandali lang po.” sabi ng driver, may kinuha itong supot mula sa passenger seat at bumaba ng kotse.

Nag-iisip na si Myka, kung tatakbo siya pero baka may mga kakampi ito. Ayaw naman din niyang maghintay lang sa wala, ngayon na ang pagkakataong tumakas. Diyos ko, ayaw ko naman pong mamatay sa ganitong paraan, bulong niya sa sarili.

Inaaninag niya ang lalaki at nagulat siya nang makita ang ginagawa nito, kausap nito ang isang matandang pulubing nakahiga sa kalsada at inaabutan iyon ng pagkain. Hinimas pa ng lalaki ang ulo ng matanda bago ito tumalikod.

Maya maya ay bumalik na sa kotse ang lalaki.

“Ma’am sorry, hindi ko kasi nadalhan ng pagkain yan si lola kanina dahil nasiraan ako ng taxi.

Kawawa nga kasi gutum na gutom na siya.” sabi lang nito na sinulyapan siya sa rear view mirror.

“Okay lang,” nakangiting sabi ni Myka. Sa loob loob niya, napakabuting puso ang mayroon itong taxi driver, sana marami pang katulad niya na handing tumulong sa kapwa.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong opinion sa comments section sa ibaba.Para sa mas maramin updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

No comments:

Powered by Blogger.