Isang Mabait na Estranghero ang Nakipagkwentuhan sa Janitor na Ito, Ikinagulat Niyang Hindi Pala Basta-bastang Tao ang Kausap Niya


Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Mag iisang buwan pa lang na janitor si Rommel sa isang malaking kumpanya sa BGC. Tapos na ang kontrata niya sa dati niyang pinapasukan, at sa tulong ng kanyang agency ay naipasok siya rito. Matiyaga siya sa trabaho at magalang pero hindi maiiwasan ang mababang tingin ng mga tao sa kanyang hanapbuhay.

Bibihira ngang may ngumiti sa kanya sa opisina kahit na napakalakas ng bati niya sa mga ito ng ‘Goodmorning Ma’am!’ o ‘Goodmorning Sir!’, napapailing na lang ang lalaki kapag ganoong napapahiya siya.


Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Isang araw, maagang pumasok sa opisina si Rommel, 6:00 am pa ang time niya pero 5:30am pa lang at naroon na siya. Mamaya pang 8:00 magdadatingan ang mga empleyadong ng oopisina. Tahimik niyang sinumulang mag-mop ng sahig, tiyak niyang pagdagsa ng tao ay marurumihan naman ulit iyon pero maganda na ang malinis. Sabi rin kasi ng head nila, may dadating daw na importanteng tao mamayang hapon, hindi niya na maalala ang tawag pero may ‘Chief’ sa titulo nito.



Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

“Goodmorning Kuya,” nagulat si Rommel nang marinig ang baritonong boses na iyon, bukod sa napakaaga pa kasi, ito ang unang beses na may kumausap sa kanya.
“Goodmorning ho Ser, ang aga nyo po ah.” sagot naman niya rito habang nagma-mop pa rin ng sahig.
“Ganun talaga ako, laging maaga. Kape tayo? Male-late raw ang kasama ko, sayo na lang tong isa.” nakangiti naman ang lalaki sa kanya, na iniaabot ang hawak hawak na kape.


Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Nahihiya mang tanggapin ay hindi pa rin naman kasi talaga nag aalmusal si Rommel kaya kinuha niya na iyon, nakapagkwentuhan sila sandali at napakabait ng lalaki sa kanya. Nagsimula nang magdatingan ang mga tao at bumalik na rin si Rommel sa paglilinis, naiwan ang lalaki na nakaupo malapit sa canteen.
Nagulat na lang si Rommel nang sumigaw ang manager, papalapit sa lalaki.

Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)


“Mr.Soriano! Akala ko po ay hapon pa kayo darating? Oh my God!” hysterical ito kaya itinanong ni Rommel sa katabi kung sino ba ang lalaki at kuntodo panic ang mga tao.

“Siya ang Chief Executive Officer na mamayang hapon pa dapat darating, siya ang may ari ng kumpanya!” sabi ng kasamahan.

Nagulat man ay napangiti rin si Rommel, kung sino pa ang may ari ay siya pang may mababang loob.

Ano ang natutunan mo sa kwentong ito?Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

No comments:

Powered by Blogger.