Pagod na ang Dalaga sa Mahirap na Buhay Kaya Kinausap Niya ang Ama tungkol dito, Ikinawindang Niya ang Sagot Nito


Isang dalaga ang nagreklamo sa tatay niya dahil napakamiserable raw ng buhay niya at hindi niya alam kung kaya nya pa. Pagod na siyang makipagsalapalaran, at maghirap. Tuwing isang problema ang nabibigyan ng solusyon, may darating nanaman na isa pa.

Ang ama niya, na isang kusinero sa maliit na kainan sa Ermita, ay isinama siya sa kusina. Nagpakulo siya ng tubig sa tatlong magkakahiwalay na takure, at nilakasan ang apoy ng mga ito. Ang unang takure ay nilagyan niya ng patatas, itlog sa pangalawa at kape sa pangatlo.


Hinayaan niya lang na kumulo ang mga ito nang hindi kinakausap ang anak. Nagmaktol ang babae at inisip na nasisiraan na ata ng bait ang tatay niya, kung anu ano na ang pinaggagagawa.

Matapos ang 20 minuto ay pinatay na ng tatay ang kalan. Inilabas ang patatas at itlog, inilagay ang mga ito sa tasa. Ibinuhos naman nito ang kape sa isang baso.

“Anak, ano ang nakikita mo?” tanong nito sa anak.

“Patatas, itlog at kape.” tinatamad na sagot ng dalaga.

“lumapit kapa at hawakan mo ang mga patatas, “utos ng matanda sa anak.

Sumunod naman ang babae at hinawakan ang ngayo’y malalambot nang patatas. Inutusan naman niya ang anak na kunin ang itlog at basagin ito, ginawa naman ng dalaga ngunit hindi nabasag ang itlog dahil luto na ang loob nito.

Sumunod naman niyang inutos na humigop ang dalaga ng kape, ang masarap na lasa nito ay nagpangiti sa kanya.

“Ano naman ang ibig sabihin nito papa?” nalilitong tanong ng dalaga sa ama, kay raming inutos nito sa kanya pero hindi pa nasasagot ang tanong niya.

Ipinaliwanag ng ama na ang patatas, itlog at kape ay may isang pagsubok na hinarap- ang kumukulong tubig. Pero ang bawat isa sa kanila ay iba iba ang naging reaksyon.

Ang patatas na matigas noong una ay lumambot at naging mahina.

Ang itlog naman na madaling mabasag ay tumigas ang loob at hindi na madaling wasakin pa.

Samantalang ang kape, binago nito ang mismong kumukulong tubig at ginawang panibagong bagay, na maganda at masarap.

“Alin ka dito anak? Kapag may kinaharap kang pagsubok, isa ka bang patatas, itlog o kape?”

No comments:

Powered by Blogger.