Si Ate Na Nagtatrabaho ng 36-Hours, Viral Sa Social Media!



Viral ang isang post ng netizen dahil sa tindera na naka-duty ng 36-hours. Sa fb post ni Alexandra Craig Yulo sinabi niyang naaawa siya sa isang empleyado ng burger station dahil 36-hours na itong naka-duty at kung hindi pa dumating ang kaniyang karelebo mag 48-hours nanaman ang kaniyang trabaho, walang ligo at tulog. Minsan nga yung isa daw niyang ka-trabaho ay straight 100-hours dahil di rin dumating ang kasama para pumalit sa kaniyang trabaho.
Basahin ang buong post:
During rush hour, medjo nawalan ako ng swerte makasakay pauwi. I was still a few blocks away from my house when no Grabcar wanted to take my booking, no Grabtaxi wanted to take me, pati real life taxi na kailangan ko parahin para tumigil – walang tumigil, pati tricycle ayaw ako isakay — kahit ako yung dapat umayaw sa tricycle kasi baka matetano ako sa kalawang, pero hindi, si koya talaga ang may lakas loob na umayaw. Pasensya na ho na ginusto ko sumakay sa trike ninyo. sensya na. Hindi ko na ginawang option ang GrabCar Premium na sinisingil ako ng 300 for less than 1km, mas malayo pa yung jinogging ko kaninang umaga – kung nagising ako para mag jogging. So inisip ko nalang — Exercise. “Maglakad ka” I told myself. So I did. 30 seconds in, POTATO CORNEEEEER!!!!!…. syempre nag order ako ng truffle fries. wag niyo ng alamin kung anung size nung fries, hindi yun yung point ng kwento. basta masarap siya. So si Potato Corner may katabi siyang Burger Machine. And no, hindi ako nag order ng buy 1 take 1 or sans rival kahit it crossed my mind. May self control naman ako kahit papaano. While waiting for my truffle fries. Si Ate of Burger Machine asked ate of Potato Corner kung pwede makitext, wala daw siya load. Matagal maluto si truffle fries so I accidentally overheard the conversation.


Potato Corner Ate: Ano dadating ba? (referring to Burger Machine Ate’s Karelyebo, one who’s replacing her shift)
Burger Machine Ate: Mukang Malabo, hindi sumasagot e. 48 hours na naman ako nito..
Potato Corner Ate: Tawagan mo ulit.
Alex na gutom: 48 hours? Ang alin po?
Burger Machine Ate: ah ma’am. yung shift ko po.
By this time I was really intrigued….48 hours, so dalawang araw?! (in my head, so ano yun? walang ligo?)
Alex na mas gutom: Ano yun, 48 hours na tuloy tuloy? bawal maligo (syempre tinanong ko talaga) Kelan po kayo pumasok?
Burger Machine Ate na tumawa dahil sa ligo question: Opo tuloy tuloy, pumasok ako kagabi ng 9:30 pm. so dapat uwi na po ako ng 9:30 ngayon. pag hindi siya dumating tuloy tuloy po ako ng 9:30 bukas ng gabi, pag dumating siya ng 9:30 bukas ng umaga. eh di 36 hours nalang po. bawal po talaga maligo, kahit nakauwi na kasi mapapasma. masama po yun sa puyat.
By this time, I was really shock how casual she’s explaining her working hours like it’s the accepted normal. Ate of Potato Corner responded to my shock face with “wala pa yan, yung isa na pinalitan niya 100 hours nag shift”. 100 HOURS NAG SHIFT! 100 HOURS! APAT NA ARAW?
nawala yung gutom ko sa awa. and here are a few things I found out with Burger Machine Ate, by now whom I addressed as Ate Rose. She’s being paid 350 for 8 hours and their OT is optional, meaning sometimes binabayaran sometimes hindi.
HR doesn’t care. when they text “rescue” because they feel ill already. HR will reply with “papunta na kapalit” but really it’s the kapalit for the next day. So her shift ends 36 hours after. She did mention that not all Burger Machine work this way as others are franchises and dealers, they are however directly under the company. Sabi ko, “what if hindi na kaya, bawal isara?” and Ate of Potato Corner said “May gumawa na nun dati, sinara niya, kasi di na kaya. kinasuhan kasi may nawala “daw”. kaya bawal isara kasi mawawalan sila ng trabaho, makakasuhan pa sila”.

For all my friends who own a food stall, I got Ate Rose’s number. Perhaps, there’s a better opportunity waiting for her. I want to end this post by helping someone.
And next time, you pass by a Burger Machine… ask kung ilang oras na sila nakashift? And remember how blessed you are with your work.
For all my lawyer friends, is this acceptable?
For anyone who is quick to judge that this is a political post. hindi po ako dilawan or dutertards, hindi po ako bumoto. Or for anyone who’ll think I am paid to say something bad about Burger Machine. Hindi po. Isa po ako na karaniwan na tao, na walang masakyan, na nagutom at gustong tumulong. Kung meron man akong ipropromote yun po ang truffle fries ng Potato Corner. Salamat po.

No comments:

Powered by Blogger.