Pumanaw ang Nanay na Ito Isang Linggo Matapos Maipanganak ang Kanyang Anak, Gustong Idemanda ng Pamilya ang Asawa Nang Malaman Nila ang Dahilan


Noon, marami ang nag-iisip na palaging higit na nakatatas ang isang anak na lalaki kaysa sa anak na babae. Noon rin, madalas na sinusunod ng mga daughters-in-law ang mga bilin o utos ng mga parents-in-law nila.
Nakakalungot isipin na mayroon pa ring mga tao ang nag-iisip na walang karapatan ang isang babae sa kanyang buhay at dapat na maging masunurin siya sa kanyang magiging bagong pamilya kapag ikinasal kahit ano pa man ang mangyari.
Ang babaeng ito ay isa sa kanila at ito ang kalunus-lunos na kuwento niya.
Si Lisa ay isang 35 years old na babae at ipinanganak niya ang isang napakagandang baby girl noong Oktubre. Pagkatapos ng panganganak, si Lisa ay binigyan ng mga health supplements ng doktor upang mapabilis ang kanyang paggaling at para na rin mabigyan siya ng kaakibat na nutrients kapag magpapa-breastfeed siya sa kanyang anak. Nirekomenda naman ng doktor na manatili muna siya sa ospital ng ilang araw para ma-monitor siya.
Pero, ang kanyang mother-in-law at ang asawa ng babae ay hindi sumang-ayon sa nirekomenda ng doktor, lalo na ang kanyang mother-in-law na sinabi kay Lisa: “It is a natural childbirth. There is no need for you to stay in the hospital any longer. You can just go back home tomorrow.




Na-dissapoint naman si Lisa sa mga narinig niyang salita mula sa mother-in-law. Sa sandaling iyon, hiniling ng babae na sana ay kasama na lang niya ang kanyang sariling ina kaysa sa kanyang insensitibong mother-in-law.
Sa sunod na araw, ang kanyang asawa ay pinilit siyang i-discharge mula sa ospital ng mas maaga. “Our home is better than the hospital,” sabi ng asawa niya.
Nang humiling ang asawa ni Lisa ng early discharge, hindi naman pumayag ang doktor sa desisyon nila sa kadahilanang hindi pa gumagaling si Lisa mula sa panganganak at kailangan pa siyang i-monitor.
Pero, sigurado na ang asawa niya at ang mother-in-law sa kanilang desisyon na iuwi si Lisa hangga’t maaari.
“It is just the same routine for Lisa and her baby. Another day in the hospital would cost more money while we can just take care of her at home like you do here,” sabi ng mother-in-law sa doktor.
Pero, nang iuwi si Lisa, hindi ito nakapagpahinga ng mabuti.
Importante sa isang bagong ina ang magpahinga upang maka-recover at tuluyang gumaling ang kanyang katawan mula sa panganganak. Pero, kabaliktaran naman ang nangyari kay Lisa. Nang siya ay makauwi, agad siyang pinatulong sa mga gawaing bahay.
Hindi rin naaalagaang mabuti ni Lisa ang kanyang bagong panganak na sanggol. Palagi na lang siyang gumagawa ng mga gawaing bahay kaya naman nawawalan siya ng oras na pakainin ang kanyang anak.
Hindi naman gusto ng kanyang asawa at mother-in-law ang ideya na tumanggap ng kasambahay dahil magastos lang raw ito sa pera at kaya naman raw gawin ni Lisa ang lahat.




Kahit pa na alam naman ng asawa niya na si Lisa ay nahihirapang gawin ang mga trabaho dahil sa kundisyon nito, naisip niya naman na ito ay dapat ginagawa ni Lisa bilang asawa. Nainis naman si Lisa dahil hindi siya pinakikinggan ng asawa niya. Minsan, naisipang patirahin ni Lisa ang kanyang sariling ina sa kanilang bahay pero natatakot siya na baka magkaroon ng alitan sa pagitan nila ng kanyang mother-in-law.
Isang araw, nakaramdam si Lisa ng ‘di pangkaraniwang pagod. Sumasakit ang kanyang ulo na tila ba ay sasabog ito ano mang oras. Kaya naman, sinabi niya na kumain muna ang kanyang asawa at mother-in-law habang siya naman ay magpapahinga lang sa kuwarto.
Pero, nang makarating siya sa kuwarto, bigla siyang nahimatay.
Bigla namang umiyak ang sanggol dahil gutom na ito, kaya naman sinigaw ng mother-in-law: “Her baby is crying and yet she can still continue sleeping. Useless woman!”
Imbes na puntahan ang bata, ang kanyang mother-in-law at ang asawa niya ay patuloy na kumain. Pagkatapos nila kumain, umiiyak pa rin ang bata. Sigaw naman ng mother-in-law: “Hey wash the dishes!” Pero nanatili pa ring hindi sumasagot si Lisa.
Nagsimula namang mangamba ang asawa ni Lisa na baka may nangyari nang masama sa kanya, kaya naman pumunta siya sa kuwarto. Nang pumasok siya, nakita niya si Lisa sa sahig, hindi gumagalaw at hindi rin humihinga. Agad naman siyang humingi ng tulong.
Sa kasamaang-palad, si Lisa ay namatay nang dumating siya sa ospital. Inilantad ng pagsusuri na si Lisa ay nagdanas ng labis na fatigue at stress na nagresulta ng paghina ng kanyang puso.
Ang kanyang asawa na ‘di makapaniwala na pumanaw na si Lisa ay napahagul-gol. “Forgive me, Lisa. It was all my fault. Forgive me, I was wrong…” pagsisisi niya habang umiiyak.
Ang mga magulang naman ni Lisa ay dumating sa ospital at nadiskubre na ang kanilang anak ay patay na.
Nang malaman ang rason, hindi nila mapigilin na magalit sa asawa ni Lisa at sa mother-in-law at pinagdesisyunan pa nila na kasuhan sila sa korte.



Dapat lang na maparusahan ang asawa ni Lisa at ang kanyang mother-in-law dahil sa pagiging makasarili nila at sa pagwalang-bahala sa kalagayan ni Lisa.
Ang kuwentong ito ay nagsasabi na ang pagiging makasarili ay hindi kailan man nakakalutas ng anumang bagay. Ang katotohanan na hindi pinakinggan ng asawa at mother-in-law si Lisa kahit na alam nila na mahina pa ito ay nagpapakita na sila ay insensitbo at iresponsable sa kanya.
Habang ang ilan ay sinasabi na dapat lang magsilbi ang asawa nila at sundin ang lahat ng utos, importante ring ipunto na ang practice na ito ay hindi na isinasagawa sa panahon ngayon.
Dagdag pa na ang isang asawa ay hindi dapat tinuturing bilang ari-arian. I-imagine niyo na magpakasal sa isang tao para lang tatratuhin bilang kasambahay. Ito ay lumalabag sa karapatan ng isang asawa at ito rin ay hindi sumusunod sa kahalagahan ng isang institusyon ng kasal.
Ano sa tingin niyo ang kuwentong ito? Naawa rin ba kayo sa kinahinatnan ni Lisa matapos na siya ay maltratuhin at gawing kasambahay ng kanyang mother-in-law at sariling asawa kahit na kakapanganak lang nito? Kami ay sabihan ng inyong reaksyon at opinyon sa comments section sa baba! 

No comments:

Powered by Blogger.