Para sa mga nanay na iniisip na hindi nila kayang buhayin ang anak nila dahil sa hirap ng buhay, basahin niyo 'to. Masasabi niyo na mas maswerte parin kayo.


Walang hangganan ang pagmamahal ng isang ina kahit na nakararanas ito ng paghihirap upang mapalaki ang kanyang mga anak. Kamakailan lamang, isang palaboy at may kapansanan sa pag-iisip na babae ay namataan na kakapanganak lamang ng isang sanggol na lalaki at ginagawa nito ang lahat upang maalagaan ito ng mabuti sa kabila ng kapansanan at kawalan nito ng maayos na matitirahan.

Kahit na naghihikahos ang babae, gusto parin niyang alagaan at palakihin ang kanyang anak.



Sa modernong panahon ngayon na ang mga sanggol na bunga ng unwanted pregnancy ay inaabandona at walang pusong tinatapon sa basura, isang ina ang ni minsan ay hindi naisip na isuko ang kanyang anak sa kabila ng hirap na dinaranas nito sa buhay.

Ayon sa babae, binigyan ng kanyang anak ng kabuluhan ang kanyang buhay at gagawin niya ang lahat upang mapalaki ang bata sa kanyang pangangalaga.




Isang netizen na nagngangalang Honey Stepie ang nagpost ng mga larawan ng babae at ng kapapanganak pa lamang niyang sanggol sa Facebook. Ipinapakita ng larawan ang babae na masayang pinagmamasdan ang kanyang supling na natutulog.


Samantala, ang lokasyon kung saan nakatira ang babae ay hindi matukoy ngunit malinaw na ang post ay mula sa Pilipinas.



Nang kumalat at naging viral ang post sa internet, maraming netizens ang naging concerned sa kalagayan ng sanggol dahil sa kondisyon ng ina at sa pag-aalala na hindi nito mapalaki ng maayos ang bata. 



Ipagdasal natin na makakuha ng sapat na suporta at tulong ang ina ng bata upang matulungan siyang mapalaki at maalagaan ng maayos ang kanyang anak. Ito na sana ang maging dahilan ng kanyang paggaling dahil tunay itong biyaya mula sa langit.

No comments:

Powered by Blogger.