Kilalanin ang pinakamahirap na Presidente sa buong mundo na piniling mamuhay ng simple sa isang farm. Alamin din ang nakaka-wow na ginawa niya sa mga taong nagkakamkam ng kaban bayan.


“I’m not the poorest president. The poorest is the one who needs a lot to live. My lifestyle is a consequence of my wounds. I’m the son of my history. There have been years when I would have been happy just to have a mattress.

Ito ang isa sa pinakasikat na binitawang salaysay mula sa pinaka-humble na dating presidente na si Jose Mujica ng bansang Uruguay, taong 2010 hanggang 2015.

Kilala si Mujica sa kanyang mga charitable efforts at sa kanyang pagkukusa na i-donate ang 90% ng kanyang buwanang sweldo na $12,000 upang tulungan ang mga mahihirap at suportahan ang mga nais magtayo ng maliit na negosyo.

Kahit hawak niya ang pinakamataas na tungkulin sa bansa, si Mujica at ang kanyang asawa ay namumuhay ng simple kumpara sa ibang mga world leaders habang nakaupo sila sa kanilang position.

Naninirahan siya sa kanyang maliit na farmhouse at ang dina-drive parin niyang kotse ay ang luma nyang Volkswagen Beetle. 




Si Mujica na dinadrive ang kanyang Volkswagen Beetle ng mag-isa. Wala siyang driver o personal security guard.



Ang kanyang tahanan ay binabantayan lamang ng dalawang police officers at ng isang asong putol ang isang paa.



Ang malaki at glamorosong Presidential Palace na karaniwang tinitirahan ng mga nagdaang presidente ng Uruguay ay isa nang museo ngayon.

Dahil nagdesisyon si Mujica na tumira sa kanyang sariling tahanan, ginawa niyang museum ang Presidential Palace kung saan pinaparangalan at inaalala ang mga nakaraang presidente.



Halintulad sa ibang world leaders at mga nakaraang presidente, madalas nake-kwestyon si Mujica dahil sa kawalan nito ng pakialam sa kanyang pananamit at postura.

Sa kabila nito, hindi nagpapatinag si Mujica sa kritisismong ibinabato sa kanya. Mas pinili niyang pagtuunan ng pansin ang mas mahahalagang issue ng bansa. 




Marami man ang nagsasabi na hindi siya nararapat sa posisyon, si Mujica ay hindi lamang kung sinong tao na sinwerteng manalo sa eleksyon. Dati siyang guerilla fighter ng Tupamaros.

Nuong panahon niya sa Tupamaros, minsan nang pinagnakawan ni Mujica ang isang bangko na umaabuso sa mga mahihirap, mga gun clubs at iba pang mga negosyo na natuklasang mapang-abuso at kurakot na kinakamkam ang yaman ng bayan. 



Sa loob ng 14 na taon, dalawang beses siyang nakulong at nabaril ng 6 na beses dahil sa pagtangkang tumakas sa preso. Ang lahat ng mga karanasang ito ay hindi siya natinag. Ipinagpatuloy niyang labanan ang korapsyon nang maupo siya bilang presidente ng Uruguay.

Para sa kanya, ang pinaka-importanteng mga bagay na dapat niyang tuunan ng pansin ay ang kapakanan ng kanyang mga mamamayan. Alam niyang ang kapangyarihan at salapi ay magtutulak lamang sa isang tao na maging corrupt kung iyon talaga ang pangunahing pakay nito sa pag-upo sa posisyon. Minsan niyang nabanggit, “Power does not change one person; it only shows one true self.”


Sa anim na taong panunungkulan, napatunayan ni Mujica na ang pangunahin niyang pakay ay ang mapagsilbihan ng maayos ang kanyang nasasakupan. Walang pagdadalawang isip din niyang ibinibigay ang sariling benepisyo sa pagka-presidente upang makatulong sa mga nangangailangan. Marahil kung titingnan lamang ng mabuti, maraming matututunan ang ibang world leaders kay Mujica kung paano uunahin ang interes ng kanilang nasasakupan kaysa sa personal na kapakanan.
Kung hinahanangaan mo ang prinsipyo ng presidenteng ito, i-share mo na ang article na ito sa iyong mga kaibigan at pamilya!

No comments:

Powered by Blogger.