Inilantad ng mga Nakakagambalang Litrato na Ito ang Buhay sa Loob ng Bahay ng Prostitusyon sa Bangladesh


Isa lamang ang Bangladesh sa ilang Muslim countries kung saan legal ang prostistusyon. Sa distrito ng Tangail makikita ang isang pugad ng prostitusyon na tinatawag na Kandapara.  Pangalawa ang Kandapara sa pinakamalaking bahay ng prostitusyon sa Bangladesh at nagsimula dalawang daang taon na ang nakalipas.





Kandapara brothel
Kahit nabuwag na ang bahay prostitusyon noong 2014, maraming kababaihang lumaki doon ay walang mapuntahan kaya tumulong ang lokal na NGO para maibalik ang kanilang lugar.
Isang German-based photojournalist na si Sandra Hoyn ang pumunta sa Kandapara para idokumento ang mga nangyayari sa loob ng bahay prostitusyong nabanggit. Ibinahagi niya sa NextShark ang kaniyang natuklasan.


Mga customer sa loob ng Kandapara brothel.
“The brothel is like its own microcosm, it is a city in a city.” Kwento niya sa NextShark “In the narrow streets, there are food stalls, tea shops and street vendors. I spent every day from morning till evening in the brothel and some days I forgot where I was. It was sometimes like everyday life in another city with its own rules.”
Sa Bangladesh, hindi normal ang pagturing ng mga tao sa mga sex workers – wala silang kalayaan at human rights. Madalas galing sa kahirapan at human trafficking ang mga kababaihang nagtatrabaho doon. Hindi sila pinapalabas ng amo nila at pati ang perang kinikita nila ay hindi nila magagastos basta basta.


Meghla, 23, kasama ang isang customer sa Kandapara brothel. Nagsimula siyang magtrabaho sa pabrika ng damit noong 12 years old pa lang siya. Nakilala niya ang isang lalaki doon at nangakong bibigyan siya ng mas magandang trabaho na may mas malaking sweldo. Ibinenta siya sa bahay prostitusyon.
“Officially, [sex workers] must be 18 years old, but most of them are underage.” Sabi ni Hoyn. “Some of them take steroids like Oradexon, a drug used by farmers to fatten livestock, to look older and healthier. The most vulnerable stage is when a young sex worker enters the brothel at the beginning as a bonded girl, usually from 12 to 14 years.”




Asma, 14, kasama ang isang customer. Ipinanganak at lumaki siya sa Kandapara.


Tumigil siya sa pagaaral dahil inaasar at iniinsulto siya ng ibang estudyante dahil ang nanay niya ay isang sex worker. Nagsimula siyang magtrabaho sa Kandapara noong 14 years old pa lamang siya. Bago noon, ang trabaho niya’y sayawan ang mga customer.
Inaabot sila ng 5 taon sa pagbabayad ng utang nila sa kanilang amo. Pag nabayaran na nila ang amo nila, tiyaka pa lamang sila magiging independent at pinapayagang tumanggi sa mga customers.
“From the moment that a woman has paid her debts, she is free to leave the brothel.” Sabi niya. “But these women are socially stigmatized outside their ‘homes’ and thus often choose to stay and continue supporting their families with their earnings.”


Isang customer ang gustong humalik kay Priya, 19. Nagsimula maging sex worker si Priya sa Kandrapa noong 17 pa lamang siya.
Noong unang linggo ni Hoyn sa bansa, hindi muna siya kumuha ng mga litrato at naglakad lakad lang kasama ang translator niya para makipagusap sa mga lokal.



Kajol kasama ang kaniyang 6-month-old na anak habang may customer na natutulog sa kaniyang kama. Hindi niya alam ang kaniyang edad kaya sinasabi niya na lang na 17 siya. Kinasal siya noong 9 years old pa lamang siya. Tita niya mismo ang nagbenta sa kaniya sa Kandapara. Dalawang linggo pagkatapos niyang manganak ay pinilit siyang makipag talik ulit sa mga customers. Dahil sa kaniyang anak, hindi maganda ang lagay ng kaniyang trabaho.
Kwento ni Hoyn: “At the beginning it was difficult to get access to the women and customers. Some customers didn’t want to be in the photographs, especially those with a rich family. But other customers didn’t care at all about it. Some told me they want to “refresh their mind” inside the brothel and there is nothing wrong with it, so why should they hide?”

Pakhi, 15, kasama ang isang customer sa kaniyang kwarto sa Kandapara. Nanirahan na siya sa lugar na iyon simula noong 14 pa lang siya. Kinasal siya noong 12 siya at tumakas pagkatapos noon. Kinuha siya sa lansangan at ibinenta sa bahay prostitusyon.
Sabi ni Hoyn: “Some girls hide their face and didn’t want to tell their stories, others have been very open and wanted to tell about their life.”
Ang bayad sa kanila ay depende sa ganda at sa kanilang pagkabata. Tinitignan din kung gaano kaayos ang kanilang kwarto. Kumikita sila ng higit 1000-2000 Taka ($11 –  22) kada araw. Mga 300 o $3 kada customer.



Sumaiya, 17, kasama ang regular na customer niya na boyfriend niya rin na si Titu, 23. Siya’y galing sa Dhaka at bumibisita isang linggo buwan-buwan.

Binugbog si Sumaiya ng boyfriend niya. Palagi silang nagaaway dahil gusto nang magpakasal ni Titu sakaniya pero tinatanggihan niya. Natatakot siya na baka kunin lahat ni Titu ang kaniyang kinita pag kinasal na sila. Nagseselos din si Titu dahil marami sa kaibigan niya ay nakipagtalik na sa girlfriend niya.
“Most of them have sad stories — but they are really strong, at least outwardly. I admire that they manage their lives under these circumstances and do not give up. They are not just survivors or victims, they are fighting and enjoying their life in their own way.”

Bonna, 27, nakikipagtawanan sa customer niya habang may hawak na condom. Noong siya’y 7 years old, ni-rape siya ng kaniyang stepfather. Lumayas siya noong 10 siya. Nakita siya ng isang lalaki at ibinenta siya bilang prostitute sa Kandapara. Mayroon siyang dalawang regular customers at kumikita ng 1500 Taka ($19) kada araw.
“When the women have free time, they danced and laughed together. They are joking with each other, kidding the customers. The girls are very lively and cheerful. Often they forget their sadness. They still have dreams.”



Papia, 18, kasama ang dalawa niyang customers sa kama. Namatay ang mga magulang niya noong bata pa lamang siya. Kasunod doon ang pagpapakasal niya. Kasama niyang nagdroga ang kaniyang asawa hanggang sa nahuli siya at nakulong. Kwento niya na mas pipiliin niya sa kulungan dahil walang bumubugbog sa kaniya doon. Sa kulungan niya nakilala ang babaeng nagdala sa kaniya sa Kandapara.

Priya, 19, hinahampas ang kaibigan niya pabiro.
“Many women have their ‘boyfriends,’ or regular customers who pay them. I know one woman who has turned down the marriage proposals of her most faithful client because she doesn’t trust that he will let her keep her money. She’d rather maintain her independence as a sex worker.”


Mga gamit na condom sa labas ng Kandapara.
“I met a woman in the brothel, she worked in a garment factory before. There she met a woman who told her about a more lucrative job. On her own wish, she started working in the brothel and doesn´t want to leave because it´s a good place to earn money, she says.”

Umiiyak na picture ni Dipa, 26. Siya ngayo’y 2 buwan na buntis dahil sa customer niya.

No comments:

Powered by Blogger.