Ice cream Vendor, Napaiyak sa Tuwa Sa Biyayang Ibinigay ni Senador Manny Pacquiao sa Kanya !


Isang post ang binahagi ng isang Netizens sa kanyang facebook account kaugnay sa kabutihang ginawang  pagtulong ni Manny Pacquiao sa isang ice cream vendor. Ito ay sadyang hindi inaasahan ng ice cream vendor na isa siya sa mabibiyaan sa kabutihan  ng ating pambansang kamao at senador na si Manny Pacquiao. 


Ayon sa kwento ng netizen, habang naghihintay umano sa loob ng sasakyan si senador Manny ay itong netizen ay  napag-isipan niyang bumili ng 10 pirasong ice cream dahil sa sobrang init ng panahon at binigyan niya raw ng isa  ang senador.
Hindi inaasahan ng netizen na ipinatawag sa kanya ni Manny  yung si Manong ice cream vendor. Nagulat na lang daw umano itong si manong ng makita niya na si senador Manny Pacquiao pala.

Una ay binigyan ni Pacquiao si Manong Marciano ng  P3,000, ngunit nang malaman ng senador may tatlong anak na hindi pa nakapag enroll sa paaralan at kamakailan lang din ay nakaranas ng stroke. Agad umanong binigyan ni senador Manny Pacquiao ng P30,000.


Hanggang sa umabot ang kanilang usapan kung saan nakatira si manong. Nang mapag alaman ni senador Manny na nagrerenta lang daw ito ng tirahan. Doon na binigyan ni Manny si Manong ng house and lot.
Hindi inaasahan ito ng ice cream vendor ang kanyang mga natanggap na biyaya kay senador Manny kaya naman hindi nito mapigilang maluha sa kasiyahan na tila nanaginip lamang siya.
Panoorin ang video:

No comments:

Powered by Blogger.