Hindi na Makapaghintay ang Dalagang Ito sa Pag-uwi ng OFW na Ina, Isa Palang Nakakapangilabot na Sorpresa ang Bubulaga sa Kanya


Tumunog na ang bell. Hudyat para magsiuwian na ang mga estudyante. Pero bakit ang aga? Siguro ay nagkaroon na naman ng biglaang pagpupulong ng mga guro para sa darating na foundation day. Mukhang umaayon kay Mila ang tadhana dahil ngayon din ang pag-uwi ng kanyang inang OFW galing sa abroad.

Nasasabik na siya dahil dalawang taong gulang lamang siya nang huling makita ang ina, hindi naman uso sa kanilang tahanan ang internet at mga videocall. Ano na kayang itsura nito ngayon na si Mila ay nasa second year high school na.

Sa kanyang paglalakad  pauwi ay may nasulyapan siyang babaeng umiiyak.

Hanggang balikat ang buhok nito, nakadilaw na bestida at may hawak na panyong asul.

Tinulak siya ng kanyang ng pagkausyoso para tanungin kung bakit umiiyak ang babae.

“Ale, bakit po kayo umiiyak?” natanong ni Mila sa babae.

“Hindi ko na kasi makikita ang anak ko…habambuhay.” sagot naman nito habang humihikbi.

“Kung hindi ninyo po mamasamain, maari ho ba kayong sumama sa akin upang mawala ang inyong lungkot, iyon ay kung gusto nyo lamang,” di niya maintindihan kung bakit niya inalok ang babae na sumama sa kanya, basta parang may nag udyok lang sa isip niya.

Tumango naman ang ale at sumama sa kanya.

Hindi nila namalayan ang oras habang sila ay magkasama, tila isang panaginip ang nangyayari. Sa kalagitnaan ng kanilang kasiyahan ay nagwika ang ale,

“Pwede bang pumikit ka?”

Sinunod ni Mila ang utos ng ale, mukha namang mabait ito at hindi gagawa ng masama, pagpikit niya ay naramdaman niya ang mga labi nitong dumampi sa kanyang noo.

“Mahal kita..” bulong ng ale.


Pagdilat niya ng mata ay wala na ang babae. Pinagtripan lang ata sya, ni hindi niya man lang naitanong ang pangalan ng babaeng kahit may edad sa kanya ay naging kaibigan na niya. Umihip ang malakas na hangin na yumakap sa payat na katawan ni Mila.

“Aba, anong oras na kailangan ko na pa lang umuwi..” Biglang naalala ni Mila ang pag uwi ng kanyang mama, kaya sumakay nalang siya ng tricycle para makauwi sa kanila.

Nadatnan niya sa bahay ang papa niya na para bang kakatapos lang umiyak. Nandito na ba ang mama niya? Tears of joy kaya iyong nasa mata ng papa niya?

“Anak iniwan na tayo ng nanay mo, namatay siya sa aksidente limang oras na ang nakalilipas.” mahingang sabi nito.

Namanhid ang buong katawan ni Mila, nasasaktan siya ngunit walang lumabas na luha sa mga mata niya. Sa hindi malamang dahilan, nagtanong siya kung may litrato bang naitabi ang papa niya, mayroon naman daw. Sabi nito, ito raw ang kuha ng mama niya bago lumipad patungo sa Pilipinas. Lalo siyang nanginig nang mamasdan ang larawan..

Hanggang balikat ang buhok nito, nakadilaw na bestida at may hawak na panyong asul.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

No comments:

Powered by Blogger.