Ginawang katawatawa ng lahat ang misis na ito nang dalhin siya ng kanyang asawa sa isang school reunion. Hanggang sa nilabas nito ang kanyang telepono at may tinawagan ito na natameme ang lahat sa sobrang kahihiyan.


Ang kuwentong ito ay ibinahagi ng isang lalaki na ang asawa ay hindi ganoon kaganda at kapayat katulad ng mga asawa ng kanyang mga kaibigan. Nangyari ito nang dalhin niya ang kanyang asawa sa isang school reunion. Sa kasamaang-palad, kinutya ang kanyang asawa dahil raw sa kanyang hindi kaakit-akit na ganda. Ngunit, nang gumawa siya ng isang tawag gamit ang kanyang telepono, naging sanhi ito ng katahimikan ng mga tao.

Bago kami ikasal, ang aking asawa ay napakaganda at slim ang katawan. Ngunit, noong siya ay magkasakit matapos ipanganak ang aming unang anak, pinainom siya ng iba’t-ibang uri ng gamot para lang maibsan ang kanyang sakit.

Pero, hindi namin alam na may masama pala itong maidudulot sa kanya. Hindi nagtagal at nadagdagan ang kanyang timbang pagkatapos niyang uminom ng mga gamot.

Sa isang iglap, nag-iba na ang kanyang itsura na tila ba ay iba na siyang tao.



Kahit pa man na nagbago ang kanyang pisikal na anyo, nanatili naman siyang positibo. Kahit pa man na bumilog ang kanyang itsura at katawan, siya pa rin naman ang nakilala at minahal kong babae; palakaibigan, madaldal at mapagmahal na tao.

Iyon ang mga dahilan kung bakit napamahal ako sa kanya. Hindi ako nagsawang mahalin siya at lalo pang lumalalim ang aming pagsasamahan.

Atsaka, may utang na loob ako sa kanyang ama dahil tinulungan niya akong makuha ang posisyon ko ngayon sa kumpanya kung saan ako nagtatrabaho. Sobra akong nagpapasalamat nang dumating siya at ang kanyang pamilya sa buhay ko.

Maayos ang aming buhay, walang problema sa relasyon at mahal na mahal namin ang isa’t-isa hanggang sa isang araw, dinala ko siya sa school reunion namin.

Nagkita kami ng dati kong mga kaibigan at napag-usapan ang tungkol sa mga careers ng bawat isa.



Napunta naman ang usapan sa mga asawa namin. Ang mga lalaki ay pinag-usapan kung paano nila nakita ang kanilang magagandang asawa habang ang mga babae ay pinag-usapan naman ang tungkol sa pagpapakasal nila sa mga mayayaman at edukado nilang mga asawa.

Pero, nang ipakilala ko na ang aking asawa, naramdaman ko na lahat ng mga mata nila ay nakatutok sa amin. Kahit makikita sa mga mukha nila na pilit nilang hindi mag-react, may mga iilan naman ang nagbubulungan. Pero hindi ko nalang pinansin iyon.

Nang makaupo na kami, may isang babae ang lumapit sa amin. Nagulat ako na siya yung babae sa university na may gusto sa akin. Noon, nawalan ako ng contact sa kanya pagkatapos ng graduation namin at ngayon, may asawa na rin siya.

“Hi, old friend! Haven’t seen you for years. Good for you, it looks like you are married to a ‘very beautiful lady,’” sarcastic na sinabi ng babae.

Narinig naman ng lahat ang sinabi ng babae at nagsipagbulungan sila sa isa’t-isa.



Dahil sa ginawa ng babae, napansin ko na nag-iba ang tingin ng asawa ko. Na-guilty naman ako dahil hindi ko alam ang gagawin noong mga panahong iyon.

Bigla nalang kinuha ng aking asawa ang kanyang cellphone at gumawa ng tawag. Ilang segundo lang, may tumawag bigla sa babaeng nambastos. Napansin ko rin na pumula ang kanyang mukha nang sagutin niya ang tawag.

Sa gitna ng pagkalito at drama, sinabi ng aking asawa na gusto na niyang umuwi ng bahay, kaya naman, umuwi kami.

Nang makarating kami ng bahay, in-explain niya na tinawagan agad niya ang kanyang ama matapos na malaman na ang babaeng iyon ay nakasuot ng uniform ng kanilang kumpanya.

Sinabi rin niya na hindi nararapat ang kagaya niyang babae na walang ethics at manner sa kumpanya ng kanyang ama. Kaya naman, ganoon na lamang ang itsura ng babae nang tanggapin niya ang tawag, siguro wala na siyang trabahong babalikan pa sa kumpanya.


Ang aral sa kuwento, ay huwag tumingin o husgahan ang panlabas na kaanyuan ng isang tao. May mga taong ginustong huwag ipagyabang sa iba ang pagiging mayaman nila sa social media at piniling mamuhay ng payak at simple lang.

Kung gusto mo ang kuwento, ‘wag kalimutang i-share ito sa pamilya at mga kaibigan mo.

No comments:

Powered by Blogger.