Buong Gabing Tumatahol ang Kanyang Aso. Kinaumagahan, Nakita Niya Itong Nakahiga at Wala Nang Buhay


Ang mga aso ay tinuturing bilang “man’s bestfriend.” Kilala sila dahil sa kanilang loyal at compassionate qualities. Sila rin ay kayang ipagtanggol at iligtas ang kanilang mga amo kahit buhay pa nila ang kapalit. Ito ang nangyari kay Achy Wijaya kung saan ang alagang aso niya ay sinakripisyo ang buhay para lang mailigtas siya.
Sinabi ni Wijaya, na nakatira sa Merauke, Indonesia, nang gabing bago mangyari ang nakakalungkot na insidente, narinig niya na tumatahol ng tuloy-tuloy ang alagang aso. Inakala ni Wijaya na baka may nakita lang itong pusa o ibang hayop. Nang gabi ring iyon, tumigil sa pagtatahol ang alaga niya at natulog nang tuluyan si Wijaya.
Kinaumagahan, ikinagulat niya na lang nang makita ang aso na nakahilata sa sahig at nilason.
“A few days ago in the middle of the night, our home was targeted by some thieves. However, they failed to rob us because our pet dog kept barking. We only found out when we went out of the house in the morning. We saw that our dog has been poisoned by the thieves,” isinulat ni Wijaya sa kanyang Facebook status.

Dagdag pa niya, “We wanted to take him to the vet but we live in Papua and the vet here usually only deals with farm animals. Besides, it was also a Sunday, so the vet’s clinic was closed as well.”
“We tried to get rid of the poison by making our dog drink milk. We also tried some oil and some coconut water. Unfortunately, it did not work.”
Ang matapang na aso ay inilibing sa likod ng bahay nina Wijaya.

Ang kanyang luha ay tila nagsasabing hindi pa siya handang humiwalay sa kanyang among si Wijaya. Sobrang nakakalungkot na makita ang isang bayaning aso na pumanaw dahil lang sa isang grupo ng mga magnanakaw.
Pinost ni Wijaya sa Facebook ang huling pagkakataon na makikita niyang muli ang kanyang alagang aso upang maging paalala sa publiko ang tungkol sa nangyaring krimen.

No comments:

Powered by Blogger.