Ang Katotohanan Tungkol sa Shoplifting Incident na Kinasangkutan ni Lucy Torres-Gomez


Naaalala niyo pa ba ang bali-balita noon na nagnakaw di umano ang asawa ni Richard Gomez na si Lucy Torres sa isang high end department store sa Makati? Hanggang ngayon ay may iba-ibang version ng kwento ang mga tao tungkol sa insidenteng ito. Marami ang pilit sinasabing isang ‘kleptomaniac’ si Lucy o isang taong hindi mapigilan ang sarili sa pagnanakaw ng mga bagay kahit wala naman itong pakinabang sa kanya.
Ngayon, tutuldukan natin ang mga spekulasyon na kumakalat upang sa wakas ay matahimik na ang mga taong involved.

Ang Kontrobersyal na Blind Item: “Trouble In Paradise”

“There is a fly in the ointment in what is generally perceived to be wedded bliss of a very popular showbiz couple. The husband found out that her [sic] angelic wife, a scion of an old haciendero family, suffers from kleptomania.
“It was only recently that he was shocked to learn, after being told by an executive of a ritzy Makati department store, that his wife was caught shoplifting.
“The guy immediately proceeded to the store, paid double the amount involved (which were for small items really) and asked the management to clamp down on the incident.
“But the incident was repeated several times. The embarrassed husband hired a security guard to look after the wife. The guard was instructed to watch discreetly but closely if the wife shoplifts and pay for the item without creating a fuss.
“The husband has confronted the wife about this malady and the wife had agreed to undergo psychotherapy in St. Luke’s Hospital in Quezon City. The latest word is the wife is now seeing a shrink regularly.”


Kuha ang “blind item” na ito sa “Scandal Sheet” section ng political pages ng daily broadsheet na The Manila Standard (February 2004). Nabasa ito ng mga tao noon at kumalat via cell phone text messaging.
Pero ang nakaka-alarma dito ay hindi na nila itinago kung sino ang blind item. Ibinuko nila agad ang laman ng iskandalo. Ang kaniyang pangalan: Lucy Torres-Gomez.

INILABAS NG ABS-CBN ANG ISTORYA NA NAGPAIGTING NG ISYU.

Lalo pang kumalat ang “Lucy Torres-Gomez shoplifting incident” nang makita ito ng mga tao sa TV.
Ang dating show na Ek! Channel ng ABS-CBN ay nagsimulang mag labas ng storya tungkol sa mga sabi sabi noong January 2005. May reenactment pa sila nito.
Ang mga newscasters ng ABS-CBN na sina Ces Drillon at Karen Davila ay nagresearch din tungkol sa tsismis.




Sariling nagimbestiga si Ces at nagtanong tanong, habang si Karen naman ay naka-focus sa diumanong surveiilance tape ng buong “shoplifting and arresting” na nangyari sa “ritzy Makati department store” na nabanggit sa blind item.
Nalaman ang estableshimentong ‘Rustan’s Department Store’.
Handa na ring maglabas ang The Buzz ng research nila sa tsismis at tuluyan itong lumala sa cyberspace dahil sa mga web forum at diskusyon sa mga e-mails. Kumpleto ito ng “conversation” ni Lucy at ng mga guard na “humuli” sa kanyang “nagsho-shoplifting”
Sa mga email at forums, mas naging kapani-paniwala pa ang tsismis dahil sinasabi doon na galing iyon sa “people from ABS-CBN.”
Sa halos isang taon, wala nang lumabas na balita tungkol sa iskandalo. Tumahimik lang si Lucy dito sa pag-asang mawawala rin iyon.
Pero hindi, kaya sa huli, nagsalita rin siya.

ANG PAGHAHANAP NG KATOTOHANAN

April 2004 noon nang malaman niya ang tsismis sa kaibigan niyang si Kris Aquino.
Sinabi ni Kris sa kanya na may sabi-sabi na kleptomaniac siya. Nirekomenda ni Kris na komprontahin niya ang pinanggalingan ng tsismis na The Manila Standard, at alamin ang kanyang legal options.



Sa una, dedma lang siya sa tsismis.
“I would not assume that by coming out [with a denial], everybody who believed the rumor will really say na, hindi pala totoo. There will always be those who would believe otherwise. I decided I would not dignify the rumor with an answer,” sabi ni Lucy sa isang interview noong March 2005 issue ng YES! magazine.
Hinikayat din siya ng iba niyang kaibigan pati na rin ng asawa niyang si Richard pero hindi pa rin siya nagsalita.
Pero nong January 2005, umaksyon na siya nang mapanood niya sa Ek! Channel ang diuamong shoplifting bust.

ANG PANANALIKSIK KUNG KANINO ITO NAGSIMULA.

Unang nagimbestiga ang asawa niyang si Richard at pumunta sa mga taong naiisip niyang nagpakalat ng tsismis. Unang niyang kinompronta ang mga newscasters na sina Ces Drillon at Karen Davila.
Sabi ni San Juan Mayor JV Ejercito na kaibigan ni Richard, si Ces daw ang nagsabi sakanya na “kleptomaniac” si Lucy.
Nang tanungin ni Richard at Lucy ang newscaster, inamin niya na napagusapan nila ng mayor ang tsismis, pero kinukumpirma niya lang kung totoo ba ang sabi sabi tungkol kay Lucy.
Nagsend siya ng text messages kay Lucy na nagsasabing hindi totoo ang mga tsismis tungkol sa kanya:
Wala siyang reply.



Ayaw ni Lucy makipagusap masyado kay Ces, at pinatawad siya dahil hindi naman siya ang pinanggalingan ng tsismis.
Ang tanging mali lang ni Ces Drillon, ayon kay Lucy, ay pinagsabi ng newscaster sa iba ang isyu.
Tinanong naman ni Richard kay Karen Davila ang “surveillance tape” na nagpapakita sa “shoplifting and arrest” kay Lucy. Sabi ni Karen na wala daw siyang ganong tape at sinabi niyang biktima rin siya ng mga nagpakalat ng tsismis.
Hindi nakagawa ng istorya ang The Buzz sa tsismis. Sinigurado ni Kris Aquino na hindi mangyayari iyon.
Sa huli, pumunta si Richard sa pinanggalingan ng tsismis. Tinanong niya sa editor-in-chief na si Julie Yap Daza kung sino ang nagsulat ng blind item.
“She answered me, but I did not believe her. Sabi niya, she doesn’t know who wrote it. I think it was really irresponsible of Julie to say that talaga,” kwento ni Richard sa interview ng YES! magazine kay Lucy noong Match 2005.

ANG ISYU AY GAWA-GAWA DAHIL SA GUSOT SA POLITIKA

Sa parehas na YES! magazine issue, inihayag nina Lucy at manager ni Richard na si Douglas Quijano ang naiisip nilang motibo sa kumalat na blind item.
“They want to destroy Lucy now, this early, because she is Richard’s best campaigner.”
Sa kapanahunang ‘yon, pina-plano ni Richard tumakbo sa pagka-senador,



“They want to weaken Richard by weakening his best asset. This is politically motivated,” dagdag pa niya. Sinabi niya rin na hindi daw ito lumabas sa showbiz section ng diyaryo
“Nasa political page siya ng Manila Standard.”
Sumang-ayon dito si Lucy, “The rumor circulated mainly in the upper crust of society.”
Sa pagkabigo nilang mahanap ang may kasalanan, hinamon ni Lucy na maglabas ang kung sino mang may hawak ng “surveillance tape” para mapatunayan kung totoo ang mga tsismis.
Kasama na rin dito ang Ek! Channel.
Hanggang sa ngayon, wala pang nailalabas na “surveillance tape.”

ANG PAGLILINIS NG PANGALAN NI LUCY TORRES.

Naglabas ng opisyal na pahayag ang Rustan’s Department Store sa query na ginawa ng GMA-7’s S-Files.
“It has come to our attention that there are rumors circulating that Mrs. Lucy Torres-Gomez was caught shoplifting in Rustan’s.


“We would like the public to know that there is no truth to this and that Mrs. Lucy Torres-Gomez is a customer of good standing and is welcome in any of our establishments at anytime.”
Sa pagka-dismaya niya sa nangyari,  naisip niya na dahil sa pagiging asawa ni Richard Gomez, maaari’t maaaring mangyari ang mga ganon.
Sabi niya, “I guess nothing just really prepares you for it when it really happens already. At the back of my mind it has always been there.”
Ano ang masasabi mo sa nangyaring iskandalo kay Lucy? Totoo ba ang diumanong shoplifting na nangyari o paninira lang ito? Ibahagi niyo sa amin ang inyong mga reaksyon sa comment section sa ibaba. 

No comments:

Powered by Blogger.